Monday, May 19, 2008 @ 6:06 AM
umuulan
Malapit na naman matapos ang summer vacation at isang patunay diyan ay ang pag ulan na nangangahulugang nalalapit na ang buwan ng Hunyo. Pasukan na naman! Mararanasan na naman ng iba diyan ang napaka-agang "wake-up call" ni nanay. Ang mabangong ulam na alas singko palang ay naihanda na. Pero, para lang sa iba yan kasi ngayong pasukan sa manila na ako mag study. Medyo maninibago ako pero sana makaya ko naman ang life na malayo sa aking nanay. Ehehehe.
--
Minsan ba naisip niyo o nahiling na sana ibang tao nalang kayo? Ako, oo. Lagi kong naiisip yun kapag nakakakita ako ng ibang tao na halos perpekto na. Yun bang tipo na naiisip mo na sana ako nalang ikaw. Palit nalang tayo! Pero nadating din naman sa punto na maiisip mo din na okay lng kasi may mga bagay na meron ka na wala siya. May mga bagay na wala ka na sagana siya. Pantay-pantay pa rin naman kaya wala tayo dapat ika-hiya sa mga taong mukang perpekto dahil parehas lang tayong lahat.
--
Wala akong magawa ngayon kaya ito, type lng ng type ng kahit anong lumabas sa isip ko. Alam ko naman na hindi ako magaling na blogger pero way na din to para maexpress ko ang nararamdaman ko. Okay lang kahit walang nagbabasa or walang nag babalak na bumasa, basta ako masaya na may naisusulat ako dito.
Ah, bukas pala hindi na coding kaya makakapunta na kami sa manila para mag enroll for college. Kainis talaga, UST na sana eh naging FEU pa pero okey na din yun sakin. :)
--
Nangangati ako sobra, bakit gnon? Ahaha mag tanong ba naman? Weh.
Add niyo ko sa YM niyo, chat tyo. GEEKMELOVE . yan yun pakilala kayo ha mabait naman ako. :D
--
Ayon, nabasa ko yung blog post ni megs about sa anime at na-miss ko tuloy yung Fushigi Yuugi (curious play) na pinalabas dati sa channel 7. Sa natatandaan ko, grade 3 ako nun at talagang naadik ako sa palabas na yon. Pero after matapos ng palabas, hindi na ito inulit. hayz bakit gnon? yung dragon ball, slamdunk, ghost fighter, flame of recca, naulit na ng ilang beses. Nakakasawa na! Ehehe. Narinig ko na pinapalabas dw yun sa hero. kaso wala kami cable dito sa lugar namin ngayon eh. :((
--
Hindi na ako nakabalik sa modeling agency. Naku, siguro pagpapatuloy ko nalang modeling ko pag nasa manila na ako para hindi ako mahihirapan sa pag luwas luwas. :)
Yun lang. :)
|