<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6189199362239343453?origin\x3dhttp://wastebags.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Saturday, September 27, 2008 @ 6:47 AM
Sana nababasa mo to.

Tagalog po tayo ngayon. :)



Pag- ibig. Magulo. Nakakalito. Nakaka kaba. Magulo. Magulo. Pero masaya. Ngayong first year college, nagmahal ako. Pero walang nangyare. May isang tao na nagpakita sakin na mahal niya ako at tanggap niya kung sino ako. Totoo nga yung kasabihang "there's still someone in this world who will look at you as if you are the most perfect being". Yun ang naramdaman ko sakanya. First, trip ko lang makipag relasyon sakanya. Nung una yun. Nung tumagal, nalimutan ko yung dati kong mahal. Thankful ako sakanya kasi nalimutan ko yung isa at minahal ko na din siya.



Di ko to malilimutan. 2nd monthsary namin yun. Gabi. Wala akong kasama. Tinext ko siya. " Pag di ka pumunta dito, break na tayo". Ang sama ko noh? Ngayon ko lang na realize ang mga nagawa ko sa taong di ko akalaing mamahalin ko ng ganito. Nag reply siya " wait lang, natataranta ako". Ayun, dumating ang alas nuwebe ng gabi at dumating siya.



Sa puntong yun, napatunayan ko na mahal niya talaga ako. Mula nun, ipinangako ko na sa sarili ko na mamahalin, aalagaan, at papahalagahan ko siya. At ganon nga ang ginawa ko. Sobrang saya ko sa piling niya. Kung dati, halos ipagtabuyan ko siya, ngayon ako na ang gumagawa ng paraan para makasama siya.



Never ko siya nagustuhan. Pero minahal ko siya. Siya lang nagpakita sakin ng ganong pagmamahal kaya na fall ako. :) MASAYA. MASARAP. Mahal na mahal ko na siya.



Ang dami na naming pinag daanan. Dati, lagi ko siya inaaway at sorry naman siya lagi. Dati, nakailang break na kme at ako ang nag uumpisa. Pero ngayon, hndi ko na magawa. kasi? Mahal ko na talaga yung taong un.



Ngayong nagkakalabuan kami. Lalo ko pang naramdaman na talagang mahal ko tong taong ito. Mahal na mahal. Higit pa sa buhay ko.



Nung may sakit siya. Twice un. Hinatid ko siya sa kanto nila. Ilang sakay? 6! dude, anim na sakay tiniis ko. Bakit? kasi gusto ko siyang makitang makauwi ng maayos at safe. Mahal ko siya e. Di ko inalintana ang pagod. Mas nakaramdam pako ng saya. Ang sarap pala mainlove.



Nasasaktan ako ngayon dahil di kami nagpapansinan. Di kami nagkaka text. Kelangan daw niya ng space at time para sa sarili niya. Sobrang sakit para sakin. Pero ngayon, ngayong napatunayan ko na na talagang mahal na mahal ko siya, mag iintay ako. Kasi alam ko, mag kahihinatnan to. Masaya ako sakanya. Ayokong mabaliwala ang mga napag samahan namin.



Mine, kung nababasa mo toh, sana naka smile kana. :) Mahal na mahal po kita.

|